Drew & Iya, John & Isabel ikakasal na | Tempo Entertainment
   

Drew & Iya, John & Isabel ikakasal na

John Pratts and Isabel Oli2

BALITANG ikakasal na this coming week sina Drew Arellano at Iya Villania. Pero tahimik ang soon-to-be Mr. & Mrs. Drew Arellano. Walang makuhang detalye ang entertainment press maging ang management company ni Drew, ang Backroom, Inc.

Nakausap ng isang entertainment writer si Drew, pero tumanggi itong magbigay ng detalye sa gaganaping kasal nila ni Iya. Ayaw siguro nina Drew at Iya na pagpistahan ng media ang kanilang kasal, kaya very private lang ‘yun. Only their respective families, relatives, and close friends ang invited.

Sayang at hindi na masasaksihan ng daddy ni Drew ang kasal nila ni Iya. His dad passed away last year. Ten years or so na ang relasyon nina Drew at Iya na never naintriga o nabalitang nag-break or nag-cool off sila.

Magpapakasal na rin
Balitang magpapakasal na rin sina John Prats at Isabel Oli this year. John is turning 30 on Feb. 14 at handang-handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya. She’s “the one” na talaga for John at gusto niyang makasama hanggang pagtanda niya si Isabel.

Si Rachelle Ann Go ang huling girlfriend ni John bago naging “sila” ni Isabel. Si Gab Valenciano naman ang huling boyfriend ni Isabel. Nakarelasyon niya rin si Paolo Contis.

Puppy love ni John si Heart Evangelista. Nagkaroon din ng “something” noon sina John at Shaina Magdayao.

Ang younger sister ni John na si Camille Prats ang nagbigay sa kanya ng cellphone number ni Isabel. Texttext sila hanggang nagkaligawan.

Masaya rin ang lovelife ngayon ni Camille. Nakatagpo siva ng pangalawang glorya sa katauhan ni John Jerickson Yambao. Pauunahin muna ni Camille ikasal ang kanyang kuya John and maybe next year, susunod na sila ng kanyang nonshowbiz BF.

Ani camille, nakita at naramdaman niya ang sincerity ni Yambao, kava ito ang nakabihag ng kanyang puso. May ibang mga lalaking nanligaw sa kanya, pero hindi niya kinakitaan ng sinseridad. Happy si Camille dahil tanggap ni Yambao ang anak niyang si Nathan sa namatay niyang asawang si Anthony Linsangan.

Ikakasal din
Sa March naman ang kasal nina Karylle at Yael Yuson (ng Spongecola). Gaya nina Drew Arellano at Iya Villania, tahimik din si Karylle. Hindi siva nagbibigay ng detalye. Sa isang interbyu sa kanyang mommy Zsa Zsa Padilla, wala pa raw itong alam kasal nito kay Yael?

Did we hear it right na feel na rin daw magpakasal this year ni Heart Evangelista? Sa mga interbyu sa kanya, sinasabi niyang si Senator Chiz Escudero na ang “the one” for her. Ewan kung seryoso 0 joke lang ni Heart na kapag nag-propose ng marriage ang kanyang boyfriend, agad-agad yes ang sagot niya.

Ano naman kava ang development sa nakaplanong wedding this year nina Jericho Rosales at Kim Jones? Early last year, ipinahayag ang kanilang engagement. Sa church (Victory Fellowship ba ‘yun?) pa nila nag-propose ng marriage si Jericho kay Kim na sinaksihan ng mga kapuwa nila born-again Christians. Nakunan pa ‘yun ng video.

Kung tama ang pagkatanda namin