Alice Dixson: ‘Pantasya ng mga kalalakihan’ | Tempo Entertainment
  

Alice Dixson: ‘Pantasya ng mga kalalakihan’

Alice Dixson

MAGANDA ang kabuuan ng 2013 para kay Alice Dixson dahil talaga namang bumongga ang career niya. Masaya ngang ibinalita ng isa sa lead stars ng weekly primetime drama series ng TV5, ang “For Love or Money.” with Derek Ramsay and Ritz Azul, na magtutuloy-tuloy pa ang mga project niya ngayong 2014.

Sabi ni Alice nang makausap namin siya bago matapos ang 2013, “I don’t think I could asked for anything more. I had a blockbuster movie, “When the Love is Gone,” directed by Andoy Ranay with Viva Films. We have really good following on ‘For Love or Money.’ The FHM cover came out. And also early next year, ‘Lady Next Door’ (TV5 telesine) ipapalabas na. And I’m gonna becoming out with an endorsement. And then may movie pa akong gagawin with Boss Vic (del Rosario of Viva Films) next year. Early next year I’m going to start a new show, it’s a comedy sitcom. Hindi ko pa pwedeng sabihin kung sino ‘yung mga kasama ko pero it will be airing by the end of next month. So, all is good and I’m very happy.”

Maituturing na pinaka-highlight ng kanyang 2013 ang ginawa niyang pagpapaseksi bilang cover girl ng FHM December issue. Sa buong career niya kasi ay ngayon niya lang ginawa ito. Hindi niya rin daw inaasahan ang magandang pagtanggap ng mga tao sa kanyang pagpapaseksi.

“Nagulat ako … nagulat din sila. So, pareho tayong nagulat:’ natatawang sabi ni Alice. “But you know, I had a good time doing it and I’m very happy with the positive response that we got.”

Okay lang bang kung tawagin siyang pantasya ng mga kalalakihan? ”Ahm … basta I’d like to be versatile. I’m not getting any younger, so what you see is what I’d like to do right now and nobody’s forcing me. Like I said, I’m glad for the positive feedbacks. Kasi it would really be bad if I pose for something and then people will say, ‘Ano ba iyan? What is she doing?’ So, I’m really happy that I’ve got general good feedback.” (Glen P. Sibonga)