Yael at Karylle magpapakasal na | Tempo Entertainment
   

Yael at Karylle magpapakasal na

YAEL and Karylle

MUKHANG mauunahan pa nina Yael Yuson at Karylle sa altar sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Balitang magpapakasal na in March next year sina Yael at Karylle. Out-of-town wedding daw ’yun.

Malabo ang December wedding this year nina Dingdong at Marian. Late last year, kumalat ang tsikang diumano’y magpapakasal na ang Kapuso Primetime King and Queen ngayong December. Pero mukhang walang magaganap na kasalan; ilang beses nang itinanggi ito nina Dingdong at Marian. Unless surprise wedding ’yun, gaya ng ginawa nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Mismong sa wedding day lang nila somewhere in Batangas nalaman ng media at publiko ang kanilang big day. (Rowena Agilada)