Saddest Christmas ever | Tempo Entertainment News Philippines
 
 

Saddest Christmas ever

by Rowena Agilada

BONG RevillaPAREHONG may pinagdaraanan ang magkaibigang senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada. This maybe their saddest Christmas ever dahil sa isyung kinakaharap nila. Marami ang nagdarasal na showbiz friends nila, kasama na ang mga entertainment writer na malampasan nila ang mabigat na pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Ang magkaibigang senador ang dalawa sa showbiz people na love ng entertainment writers. Parehong press-friendly at hindi astangsenador kapag sila ‘y kausap at kahalubilo nila ang entertainment writers. Nakikipagbiruan sila at ipinaparamdam na kayang-kaya pa rin silang abutin sa kabila ng estado nila sa buhay. Nasa puso pa rin nila ang showbiz at mananatili ang malaking pagmamahal nila sa larangang pinagmulan nila.

Wish ng entertainment press para kina senators Bong at Jinggoy, maresolba na ang isyu sa kanila sa pagpasok ng 2014. Bagong Taon, Bagong Pag-asa, Bagong Buhay, ‘ika nga.

SEN Jinggoy EstradaTatak-Estrada
Naudlot ang tambalan nina Julia Barretto at Julian Estrada (anak ni Senator Jinggoy Estrada). Na-echapuwera si Julian sa “Mirabella,” launching project ni Julia sa ABS-CBN . Hindi naman sumama ang loob ni Julian at tanggap niyang management decision ‘yun.

Nakatsikahan ng ilang entertainment writers si Julian at tinanong siva kung ano nang development sa panliligaw niya kay Julia. Itinanggi ‘yun ni Julian at aniya, magkaibigan lang sila ni Julia.

Pansin ng entertainment writers ang expressive eyes ni Julian. Big asset niya ‘yun. Idagdag pa ‘yung pagiging shy type ni Julian, pero may kaunting angas ang dating. Tatak Estrada talaga kung makatingin.

Family feud
Nakakalungkot isiping may pamilyang watak-watak ngayong Pasko. Ang pamilya Barretto na tila lalo pang tumitindi ang awayan. Ang pamilya ni Charice Pempengco. Base sa mga nasusulat, pera diumano ang pinag-ugatan ng sigalot sa mag-inang Raquel at Charice. Magkaaway rin ang mag-inang Raquel at Tess (lola ni Charice).

Wala pang pahayag ang daddy Miguel ni Gretchen Barretto kaugnay ng mga sinabi niya noong tumestigo siya laban sa kapatid niyang si Claudine. ‘Heard, tila naapektuhan daw ang kanilang mommy Inday. Hindi pa ito rumeresbak.

Ang mommy Raquel naman ni Charice, sa kakapusan daw sa pera,’y ibinenta ang bahay sa Tagaytay na ibinigay raw sa kanya ng anak. Reklamo naman ng ina ni Raquel na si Tess, ‘yung sinabi ni Raquel sa isang interbyu na ipinagpatayo siva nito ng boutique, hindi raw totoo. Ginawa lang daw siyang tagapagbantay.

Bukod sa money matters, hindi matanggap ni Raquel ang pakikipagrelasyon ni Charice kay Alyssa Quijano. Nagsisiraan pa ang mag-inang Tess at Raquel. Ang gulo! Kaya siguro, iniwan ni Charice ang kanyang pamilya at nakisama na lang sa love of her/his life.

Sinampal
This week sa “Adarna,” hihipan ni Ima Pepita ang cat-tails na halaman papunta sa mundo ng tao. Naging panandaliang-Iunas ito sa sakit ni Lupe. Biglang hinalikan ni Bok si Ada, sinampal siya nito. Magsusuntukan sina Bok at Migo.

Galit pa rin si Ada kay Bok sa ginawa nito sa kanya . Pupunta ito sa karinderiya at hihingi ng paumanhin. Sasabihin ni Migo kay Ada na balak niyang ligawan ang lady bird na nagligtas sa kanya. Sa pugad Sanghaya, mababahala si Garuda nang sabihin ni Heron na hindi na naglalagas ang dahon ng daldaliit.

Kakausapin ni Lupe si Ada na bigyan ng pagkakataon si Bok at huwag na itong umasa kay Migo dahil kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Magpapasama si Migo kay Ada para dalhin ang mga bulaklak kay lady bird. Malalagas na ang mga balahibo ni Lupe. Marami na siyang pasa, senyales ng nalalapit niyang katapusan.

  • CamoteQ

    Mareresolba yan sa kulungan, Writer, asahan mo, at doon mo sila dadalawin.

  • CamoteQ

    Saddest ba? Sa amin, happiest kami dahil naexposed ang mga kabalbalan ng dalawang ito.

  • selfdiscipline

    Justice must and will prevail…

  • Buds Convocar

    Porke’t kasamahan nyo sa showbiz industry kakampihan nyo? mga bugok pala kayo eh! tama yan magsama-sama kayo. Kahit na alam nating magnanakaw ng pondo ng gobyerno mga yan suportahan nyo!