Ryzza nagdala ng ‘Bossings’ | Tempo Entertainment News Philippines
 
 

Ryzza nagdala ng ‘Bossings’

27Ryzza&Bimby

SA umpukan ng entertainment writers, napag-usapan sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap. Puring-puri ng mga nakapanood ng “My Little Bossings” si Ryzza. Kahit daw kapos ito sa ganda, biniyayaan naman ng talento. Aminin daw o sa hindi ng co-stars ni Ryzza sa MLB, si Aling Maliit ang nagdala ng pelikula. ’Kaaliw raw ’yung eksenang kumain ng wasabe si Ryzza. Totoong-totoo raw ’yung facial expression ni Aling Maliit na anghang na anghang sa kinain nito.

Deserve raw ni Ryzza manalo ng best child performer sa ongoing Metro Manila Film Festival. Huwag na raw ito ilagay sa best actress nominee.

Si Bimby raw, nakakaarte naman. Sabi ng isang reporter, mas magaling pa nga raw umarte ang bata kesa sa mama Kris Aquino nito. Madedevelop pa raw ang acting talent ni Bimby kapag hinawakan ito ng iba pang magagaling na direktor. “Gwaping ang bagets at mas gwapo kesa sa kanyang daddy James Yap. Matangkad pa si Bimby na namana niya ang height kay James,” sabi ng isang reporter. Just curious, napanood na kaya ni James ang “My Little Bossings”?

Angat sa iba
Aminin man o hindi ng ibang child stars, mas angat sa kanila ngayon si Ryzza Mae Dizon. Iba talagang mag-alaga ang “Eat Bulaga.” Nanalong Miss Little Philippines si Ryzza at ayon kay Vic Sotto, noong grand finals, agaw-pansin talaga si Ryzza. Siya kasi ang pinakamaliit at pinakabibo sa mga contestant.

Ang Tape Inc., sa pamamagitan ni Ms. Malou Choa-Fagar, ang nangangalaga sa career ni Ryzza. Going places si Aling Maliit. Ang dami niyang TV commercials. Sa isang product endorsement , kasama pa niya ang kanyang mommy.

Eight years old na si Ryzza at tanong ng isang reporter, pag 10 years old na ito, tumangkad na kaya? “Painumin kaya siya ng Cherifer,” sabi naman ng isang reporter. At least ngayon, ibang level na ang pamumuhay ng pamilya ni Ryzza. Nakakain na nila ang gusto nilang kainin. Masaganang-masagana ang Pasko at Bagong Taon nila. May sarili na siyang sasakyan at nakatira na siya sa isang condominium.

Ladies in waiting
Parehong naghihintay ng marriage proposal sina Angelica Panganiban at Toni Gonzaga mula sa respective boyfriends nilang sina John Lloyd Cruz at direk Paul Soriano. Turning 30 na si Toni at handa nang magkaroon ng sariling pamilya.

Nearing 30 na rin si Angelica. Four years from now, liyebo tres na siya. Parehong kilig-kiligan sina Toni at Angelica at the mere thought of getting married. Ano pa nga ba ang hinihintay nina direk Paul at John Lloyd para alukin na nila ng kasal ang kanilang respective girlfriends?

HEART Evangelista

Waiting din si Heart Evangelista sa marriage proposal ng boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero. She’s turning 29 on Feb. 14 next year.

MARIAN Rivera

Turning 30 naman si Marian Rivera sa birthday niya sa Aug. 12 next year. Kapuwa may pahayag sila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na wala pa sa immediate plans nila ang magpakasal. Anila, if and when they decide to get married, agad-agad nilang ipapaalam ’yun sa publiko. So wait na lang tayo, people.

Finale week
Finale week ngayon ng “Genesis” at kaabang-abang ang mga kaganapan sa sci-fi teleseryeng ito ni Dingdong Dantes. Aniya, walang extension dahil masisira ang konsepto nito. Pahinga muna si Dingdong sa taping at si Marian Rivera naman ang bisi-bisihan sa bago niyang teleserye sa GMA, “Carmela.”

Samantala, sa pagtatapos ng “Genesis,” mailigtas pa kaya ni Isaak ang mag-ina niyang sina Raquel at Oshie? Anong mangyayari kay Paolo na sobrang obsessed kay Raquel?

Magtagumpay kaya si Ramona sa panlilinlang kay Andy para papaniwalain itong makakasama nila sa paglipad tungo sa Genesis si Faith at ang lola Juaning nito sa mga maliligtas? Paano na si Summer?