Press release lang pala | Tempo Entertainment
  

Press release lang pala

PRESS (o praise) release lang pala ‘yung tungkol sa isang aktor kapag nasa taping ito ng isang TV show. Nababasa namin ang mga papuri sa aktor na kesyo, wala itong reklamo, madaling katrabaho ng mga kasama nitong artista at direktor. Tuwang-tuwa rin daw ang staff and crew sa magandang trato ng aktor sa kanila.

Pero may nakapagtsika sa amin na reklamador diumano ang aktor. Ang dami raw nitong tanong sa production staff bakit kailangan niyang gawin ang ganito o ganoong eksena. Ayaw rin diumano ng aktor ang mahabang oras na pagtatrabaho.

Nakausap namin ang isang aktres na katrabaho ng aktor sa isang TV show. Tinanong namin kung totoo bang mareklamo ang aktor. Hindi sumagot ang aktres at nginitian lang kami.

‘Yun na! Confirmed! Afraid lang magsalita ang aktres dahil knows niyang malakas ang aktor sa big boss ng network na pinagtatrabahuhan nila. (Rowena Agilada)