Paulo & KC stop dating | Tempo Entertainment
   

Paulo & KC stop dating

Paulo Avelino

SA kabila ng pagbabawal ng handler ni Paulo Avelino sa entertainment writers na kausap niya noong presscon ng “Pagpag, Siyam na Buhay,” na walang personal questions, nakalusot pa rin ng ilang katanungan na sinagot naman ng Kapamilya actor. Irita nga ang ibang press sa handler ni Paulo na parating nakadikit sa aktor na mahigpit pa kay Jaworski kung makabantay ito nang wagas na wagas.

Matipid nga lang si Paulo sa mga sagot niya nang tanungin siya tungkol sa kanila ni KC Concepcion. Aniya, kung ano raw ang mga sinabi niyang lumabas na, ’yun pa rin ’yun. Wala raw bagong development. “The same, the same. We’re still friends,”ani Paulo.

When asked kung nagdi-date pa ba sila ni KC, hindi na, ayon kay Paulo. Parehas daw kasi silang busy. Nang tanungin naman ang aktor kung aware ba siyang may ibang nanliligaw kay KC, hindi niya alam, ani Paulo. At kung meron man, okey lang sa kanya. “I’m not bothered,” saad ni Paulo.

Duda ng press, mukhang may hindi magandang nangyari o nangyayari sa pagitan nina Paulo at KC. O, hindi kaya may nagbawal (na naman) kay Paulo na magsalita tungkol kay KC?

Tipid na tipid din ang pananalita ni Paulo nang tanungin tungkol sa ex-girlfriend niyang si LJ Reyes at sa love child nilang si Aki. Ang palusot ni Paulo, personal na ’yun. Aniya, he makes sure na may time siya for his son.

Sa isang interbyu kay LJ, nagpahiwatig siyang hindi ganoong kadalas bisitahin ni Paulo ang anak nila.

Wala pang plano si Paulo ngayong Pasko, pero ang wish niya’y makapiling ang kanyang anak. Wish din niyang suportahan ang “Pagpag, Siyam Na Buhay” na kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival. It stars Daniel Padilla and Kathryn Bernardo at kasama rin sa cast sina Shaina Magdayao, Miles Ocampo, Janus del Prado, Matet de Leon, among others. (Rowena Agilada)