Kissing twosome in Singapore | Tempo Entertainment News Philippines
 
 

Kissing twosome in Singapore

ANDI Eigenmann

Balik-GMA si Agot Isidro matapos siyang lumabas sa isang teleserye sa ABS-CBN. Si Agot ang gaganap na nanay ni Marian Rivera sa “Carmela,” bagong teleserye ng Kapuso Primetime Queen na magsisimula ngayong January.

Drama ito,kaya nag-beg-off si Marian na gumawa ng isang sitcom sa GMA-7. Aniya, magpo-focus muna siya sa teleserye at kapag nakabuwelo na siya, puwede na siyang gumawa ng sitcom.

Si Alden Richards ang kapareha ni Marian sa “Carmela.” Sa ipinapakitang teaser, hindi bagay ang hairstyle ni Alden. Sana baguhin ‘yun.

Hindi isyu
So, sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito pa rin pala. May nakakita sa kanila na magkasama sa Singapore ilang araw bago mag-Pasko. Dumalo raw ang dalawa sa isang dance festival na wala raw pakialam na naghahalikan sa harap ng maraming tao.

Mukhang hindi isyu kina Jake at Andi kung tutol ang mommy (former actress Laarni Enriquez) ng binata sa kanilang relasyon. Sinusunod nila ang tibok ng kanilang mga puso.

Hindi rin isyu kay Jake kung may anak na si Andi,courtesy diumano ni Albie Casino. Na ayaw naman nitong kilalaning anak si Ellie (Gabrielle).

Sinong bagay?
Palaisipan pa rin kung sino ang gaganap bilang Dyesebel sa ABS-CBN. ‘Heard, pinagpipilian sina KC Concepcion, Kim Chiu, Erich Gonzales, Maja Salvador, Angel Locsin at Sarah Geronimo.

Marami sa mga nakausap namin na si KC ang gusto nilang gumanap bilang Dyesebel. Matatandaang gumanap na siya bilang isang sirena sa stage play na “The Mermaid.” Tama ba kami sa title?

Sa isang episode noon ng “Kris TV,” napanood namin si KC na nag-ala-mermaid na paglangoy. May suot pa siyang buntot ng sirena at gandang-ganda kami sa kanyang paglangoy.

New Year countdown
Hindi makakasama si Barbie Forteza sa mga Kapuso star sa “Countdown to 2014: The GMA New Year Special” na gaganapin bukas ng gabi sa SM Mall of Asia seaside boulevard. Nasa Baler, Quezon si Barbie para doon salubungin ang Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.

Ang tweenstars at sweethearts na sina Jake Vargas at Bea Binene ay magkasama sa GMA Countdown . Magkasama rin sa pagsalubong ng Bagong Taon ang mag-sweethearts na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, Enzo Pineda at Louise delos Reyes, Katrina Halili at Kris Lawrence. Ang iba pang Kapuso stars na ka-join sa GMA Countdown ay sina Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Julie Anne San Jose, Max Collins, Janno Gibbs Mark Herras, Glaiza de Castro, Rocco Nacino, Christian Bautista, Andrea Torres, German Moreno, atbpa. Live mapapanood ang GMA Countdown at 10:45 pm.