Heart’s Christmas wish is reconciliation with mom | Tempo Entertainment
   

Heart’s Christmas wish is reconciliation with mom

Heart EvangelistaHINDI pa rin sila nag-uusap ng mommy niya, ayon kay Heart Evangelista nang nakausap ng Tempo at ibang entertainment writers sa taping ng “Magkano Ba ang Pag-ibig?” sa Sta. Cruz, Laguna. Ani Heart, ayaw niyang pilitin at mas mabuti na raw ang ganu’n kesa kung pag nag-usap sila, tapos may mangyayari uli.

Ipinagdarasal na lang daw niya ito. Isa nga sa Christmas wishes niya ay magkabati at magkaayos na sila ng mommy niya. At this point, she is not really bothered naman di tulad noon. At saka, personally, ani Heart, feeling niya’y hindi pa siya ready talaga na makipag-ayos sa mommy niya. Pinapalamig niya lang muna ang sitwasyon.

With her dad, okey na sila, ayon kay Heart. Nag-uusap na sila. Walang problema sa kanila ng daddy niya.

Lalong walang problema sa kanyang love life, ayon kay Heart.Okey, alright ang relasyon nila ni Senator Chiz Escudero. Smooth-sailing ito. Any marriage plans in 2014?

“Nakaka-thrill lang isipin (laughs). It’s very tempting to get married. But then, kinda need to do certain things, especially now, there’s so much going on. But if it comes, it comes. If he asks me, I’ll go for it. I’ll tell him, i-Instagram ko agad ’yan (laughs).”

Ayon pa kay Heart, kapag niyaya siyang pakasal ni Senator Chiz, payag agad siya kahit ano’ng oras, kahit saan. Ang worry lang niya’y baka kapag ikinakasal na sila’y may biglang sumigaw ng, “Itigil ang kasal!” “Kailangan, okey lahat,” said Heart.

Aniya pa, in passing, napag-uusapan na nila ni Senator Chiz ang pagpapakasal. “Kaya lang, it’s parang I have so much to do pa. Sayang naman. May two-year contract pa ako sa GMA. I need to work. I’d save my money and then, that’s when siguro and then you know, I’ll see what happens after. As of now, I’m not yet there.”

Hindi naman daw naka-stipulate sa kontrata niyang bawal siyang mag-asawa. “If ever, I’m not gonna follow my contract. I’ll follow my heart (laughs). No, hindi! I don’t think so. Even like getting pregnant, parang it should not be anything agad. But I think, it’s a blessing. If I get pregnant, what can I do?” pagtatapos ni Heart. (Rowena Agilada)