‘Bossings’ vs ‘Girl…’ sa takilya | Tempo Entertainment
   

‘Bossings’ vs ‘Girl…’ sa takilya

MARIAN Rivera and Tonton Gutierrez

MERRY Christmas to everybody! Enjoy the day to the fullest kasama ang mga mahal n’yo sa buhay. Basta sama-sama, masaya, kahit ano pang estado sa buhay. Cheers!

Opening day ngayon ng 2013 Metro Manila Film Festival entries, kaya ’yung mga artistang may festival entry, kakaba-kaba na. ’Yung iba naman, positive na tatangkilikin ang kanilang pelikula. Wish lang namin, suportahan ang walong entries para everybody happy.

Hindi lang kung alin ang mangunguna sa takilya ang inaabangan, pati kung sino-sino ang mananalo ng awards. ’Yung mga nominee, iisa ang pahayag. Hindi sila umaasang mananalo. Mahirap nga namang umasa at mabigo.

Kinarir
Talagang kinarir ni Kris Aquino ang pagpo-promote ng “My Little Bossings.” Ang sipag-sipag nilang mag-ina (son Bimby Yap) mag-guest sa mga programa ng ABS-CBN at GMA7… “The Ryzza Mae Show,” “Eat Bulaga” kung saan sumali pa si Kris sa “Pinoy Henyo” pero nagpapalit naman kay Ryzza, “Vampire ang Daddy Ko,” at “Jessica Soho Show.”

Gusto kasi ni Kris mag-Number One sa MMFF ang “My Little Bossings.” Pinakamaingay ito sa promotion. Pag hindi pa naman ito nag-Number One, ewan na lang!

Si Vice Ganda, tinatarget din maging Number One ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy.” Alin kaya sa MLB at BGBT ang mangunguna sa takilya?

Nanghinayang
Nanghinayang si Tonton Gutierrez na wala silang eksena together ni KC Concepcion sa “Shoot to Kill: Boy Golden.” Anang aktor, ang bilis ng panahon. Noon daw, beybing-baby pa si KC kapag nakikita niyang kasama ng ina nitong si Sharon Cuneta. Cute na cute siya kay KC, ani Tonton.

Naging leading man ni Sharon si Tonton sa ilang pelikulang ginawa nila noon sa Viva Films. Na-link pa sila sa isa’t isa.

Sa presscon ng “Shoot to Kill: Boy Golden,” magkatabi sa upuan sina Tonton at KC. Parang hindi siya makapaniwalang dalaga na ang dating baby na kasa-kasama noon ni Sharon. Happily married ngayon si Tonton kay Glydel Mercado at dalawa ang anak nila, both girls. Sharon naman has Kiko Pangilinan at dalawa rin ang anak nila na parehas ding babae, Frankie and Miel. May adopted son sila, si Miguel.

Nagpa-breast enhancement?
Ipinapakita na ang mga teaser ng tatlong bagong teleserye ng GMA na ipalalabas next month. “Carmela” na pagbibidahan ni Marian Rivera, “Rhodora X” ni Jennylyn Mercado at “Kambal Sirena” ni Louise delos Reyes.

Si Alden Richards ang kasama ni Marian sa bago niyang teleserye, sina Mark Herras, Mark Anthony Fernandez at Yasmien Kurdi ang mga kasama ni Jennylyn at si Aljur Abrenica ang kay Louise.

First time magkatrabaho nina Marian at Alden, gayun din sina Aljur at Louise. Daring ang role ng huli na tama ba ang dinig namin na diumano’y nagpa-breast enhancement si Louise? Aminin naman kaya niya ito? Mabilis lang kasi ang ipinapalabas na teaser ng “Kambal Sirena,” kaya hindi namin matutukan kung lumaki nga ang boobs ni Louise. Baka naman ang press release niya ay talagang “gifted” siya?