LT ayaw nang mag-asawa | Tempo Entertainment
   

LT ayaw nang mag-asawa

Janine Gutierrez and Elmo Magalona

by Rowena Agilada

IDOL ni Janine Gutierrez si Lovi Poe. Aniya, gandang-ganda siva sa morena beauty nito. Hinahangaan din niya ang galing ni Lovi sa pag-arte, kahit sexy role na hindi niya kava, ani Janine. Pwede raw siyang magsuot ng shorts at/o minidress, pero nahihiya siyang mag-bathing suit kahit one piece.

Hesitant nga siyang mag-join sa beauty contest dahil naka-two-piece bikini ang mga contestant. Marami nga ang nag-e-encourage sa kanyang mag-join. “Mas gusto kong mag-focus sa acting,” wika ni Janine.

Pinaghahandaan niya ngayon ang launching project niya, “Villa Quintana,” with Elmo Magalona. Ipapalit ito sa “Mga Basang Sisiw” na last airing na on Nov. 1. Sa Nov. 4 ang simula naman ng “Villa Quintana” sa GMA Afternoon Prime.

Magkaibigan noon ang respective dads nina Janine at Elmo, sina Ramon Christopher Gutierrez and
the late Master Rapper Francis Magalona. Dating miyembro ng “That’s Entertainment” ang mga ito at nagkasama sa pelikulang “Bagets.”

Inilaglag ang kapatid
Wala pang sariling sasakyan si Elmo Magalona at ‘yung Montero van ng kanyang daddy Francis ang ginagamit niya. Ani Elmo, nagiipon pa siva ng perang pambili ng kotse. Inuna muna niyang bumili ng isang condominium unit somewhere sa Ortigas at natapos na niyang hulugan ‘yun. Du’n na siva solong naninirahan two or three years ago pa.

Nagsosolo na rin ng tirahan ang Saab. Asked kung sino sa dalawa ang mas mabait, “Si Saab,” walang kagatul-gatol na sagot ni Elmo. “Si Max kasi, minsan mabait, minsan bad. Mas maldita siva kesa kay Saab,” panlalaglag ni Elmo.

“Kasi naman si Max ang panganay sa aming magkakapatid. So, parang siya ang mas may authority na magmaldita. Minsan, she acts like she’s our mom,” wika pa ni Elmo.

Ano naman ang masasabi niya sa tambalan nina Julie Ann San Jose at Kristoffer Martin sa “Kahit Nasaan Ka Man”? “Bagay rin sila. I’m happy for them na tinatangkilik din ang love team nila,” wika ni Elmo.

Aniya pa, magkaibigan sila ni Kristoffer at wala siyang sama ng loob o tampo na ito ang kapareha ni Julie Ann na dati niyang ka-love team. “Ganyan naman sa showbiz. Hindi forever na kayo ang magkalove team.

Tanggap ko ‘yun na kailangang ipareha kayo sa iba.”

Ayaw nang mag-asawa
Desidido na si Lorna Tolentino na huwag nang mag-asawang muli. Five years na siyang biyuda pagkamatay ng husband niyang si Rudy Fernandez.

Ani LT sa presscon ng “Genesis,” gusto niyang forever single na lang siya. Nagsasalita na siya nang tapos at wala na sa pangarap niya ang magka-lovelife. “Matanda na ako, ‘noh? I’m 51 years old. Sa mga anak ko na lang (Ralph and Renz) at apo nakatutok ang atensiyon ko. Masaya na ako sa piling nila. Gusto kong maabutan ang apo ko hanggang paglaki niya,” lahad ni LT.

Aniya pa, nalilibang siya sa pagaalaga ng kanyang apo.

Isa pang nakakapagpalibang kay LT ay kapag ‘andu’n siya sa farm niya sa Cavite. May mga fruit-bearing
trees siya roon. Enjoy raw siya sa pagiging farmer. Plano ni LT gawing events place ang bahagi ng kanyang farm.

By the way, mamayang gabi na ang pilot telecast ng “Genesis” sa GMA Telebabad. Topbilled by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes with Rhian Ramos, TJ Trinidad, etc. Sa direksiyon nina Mark Reyes at Bb. Joyce Bernal.