Lolit: Vic-Pauleen romance won’t end up at the altar | Tempo Entertainment
  

Lolit: Vic-Pauleen romance won’t end up at the altar

MATTEO Guidicelli and GEOFF Eigenmann

PUMAYAT na si Geoff Eigenmann na nakita namin sa “One More Try, My Husband’s Lover: The Concert.” Talagang kinarir niya ang pagpapapayat dahil nabigyan siya ng fat memo ng GMA.

Ang taba kasi ni Geoff sa huling teleserye niya, “Forever,” with Heart Evangelista. Pagkatapos nu’n, ilang buwang nabakante ang aktor sa pagtatrabaho, kaya nakapag-focus siya sa pagbabawas ng timbang.

Long hair si Geoff at dapat siguro, baguhin niya ang kanyang hairstyle. Parang goon o character actor ang dating niya. Mas bagay sa kanya ang clean-cut look. Sana lang ay mabigyan na ng GMA ng bagong project si Geoff. Sa showbiz kasi, out of sight, out of mind.

Kahit siya pa ang boyfriend ni Carla Abellana, wala sa front seat si Geoff noong MHL concert sa Smart-Araneta Coliseum. Nasa middle portion (Patron side) si Geoff, sa likuran ng lola (Delia Razon) ni Carla.

Nasa Europe ngayon si Carla for a short vacation with her mommy Rea. Hindi sumama si Geoff dahil bonding daw ’yun ng mag-ina.

Di pakakasalan?
What? Si Pauleen Luna pa ang selosa sa relasyon nila ni Vic Sotto. Parang siya pa ang nai-insecure, eh, ang laki ng age gap nila. She’s 24 years old at 59 naman si Vic. Di ba dapat, ang huli ang seloso at insecure?

Dahil kaya, kahit nearing 60 at magiging senior citizen na si Vic ay lapitin pa rin siya ng girls, kaya selosa si Pauleen? Narinig na namin kay Vic ang linyang wala silang itinatago o dapat itago sa relasyon nila ni Pauleen. Nakikita naman daw na lumalabas sila in public. Sinabi na niya ’yun noong together pa sila ni Pia Guanio.

Curious lang kami, ano kaya ang feeling nina Pia at Pauleen kapag magkatabi sila sa isang segment ng “Eat Bulaga”? At ano rin kaya ang feeling ni Vic na kasama niya araw-araw ang kanyang ex at present girlfriends?

Sabi ni Vic sa isang interbyu, if ever magpapakasal na sila ni Pauleen, ibabahagi nila sa publiko ang special event na ’yun sa kanila. Ang manager ni Pauleen na si Lolit Solis ay hindi naniniwalang hahantong sa kasalan ang relasyon nina Vic at Pauleen. May-I-laugh lang si Lolit kapag tinatanong tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.

Ipaglaban kaya?
Afraid kaya si Matteo Guidicelli na baka maudlot ang relasyon nila ni Sarah Geronimo kung aaminin niyang nanliligaw siya sa dalaga o “sila” na? Umiiwas si Matteo pag-usapan ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Sarah.

Afraid kaya si Matteo na baka ma-bad shot din siya sa parents ni Sarah, especially her mommy Divine? Sina John Lloyd Cruz at Gerald Anderson ay hindi nag-pursue sa intensiyon nila kay Sarah dahil diumano’y hinadlangan ng mommy ni Sarah. Si Rayver Cruz ang first boyfriend ni Sarah, pero short-lived lang ang kanilang patagong relasyon.

This time kaya ay maipaglaban na ni Sarah si Matteo? Kilig-kiligan noon si Sarah kay Gerald na napunta kay Maja Salvador, na ex-GF ni Matteo. Paikot-ikot, papasa-pasa lang ang magkakarelasyon sa showbiz.