‘Husband’s Lover’ concert bitin | Tempo Entertainment
  

‘Husband’s Lover’ concert bitin

Dennis Trillo at Tom Rodriguez2

by Rowena Agilada

HOT na hot pa rin ang Tom Den tandem nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Tilian ang audience sa tuwing lumalabas silang magkasama on stage at nagtatawagan ng Beh sa nakaraang “One More Try, My Husband’s Lover: The Concert” na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Enjoy ang mga becki (bading) sa duet nina Tom at Dennis na para talagang lovers. May sumisigaw pa ng “Kiss, kiss!” May trio rin sina Tom, Dennis at Carla Abellana. Nag-duet din ng medley of songs sina Tom at Carla.

Dalawang beses nag-walkout pa kuno si Carla dahil deadma sa presence niya sina Tom at Dennis habang kumakanta. May sumisigaw pa ng Team Lally (name ng karakter ni Carla sa MHL).

May solo number si Kuh Ledesma na kumanta ng “One More Try,” “Till I Met You” at “Huwag Ka Mangako” na theme song ng “Akin Pa Rin ang Bukas.” Kilig-kiligan ang audience sa duet nina Kuh at Roi “General” Vinzon. Sila ang the other love team sa MHL.

Hiyawan ang audience sa pagrampa sa stage nina Victor Basa, Pancho Magno at Rodjun Cruz na pawang naka-topless. May male models ding rumampa na naka-topless, kaya nagmistulang Cosmopolitan Bachelors Bash ang event. Deadma ang audience dahil “the who” (hindi kilala) ang mga ‘yun.

Kuwela si Kevin Santos na becking-becki ang dating na pahaplos-haplos sa mga naka-topless na male models.

Panalo
Sigawan ang audience paglabas ni Keempee de Leon on stage na naka-red long dress, high-heeled shoes, long hair at fully made up. Applauded ang kanyang song number na panalung-panalo si Kimpoy. Pakaway-kaway pa siya na feeling beauty queen.

Maganda rin ang production number na magkakasama sina Glydel Mercado, Bettina Carlos, Karel Marquez at Chanda Romero. Pa-dance-dance sila at pagkatapos ay isa-isa silang nagsalita tungkol sa kabadingan nina Dennis at Tom. Nagpakuwela pa si Chanda at aniya, siya ang reyna ng kabeckihan.

Wait kami sa production number ng mga bagets na sina Diego at Hannah (gumaganap na mga anak nina Carla at Tom sa MHL). Umakyat sila sa stage noong patapos na ang concert.

Bakit kaya walang production number ang dalawang bagets? Malaki naman ang bahagi nila sa MHL. Sana, pinakanta o pinasayaw sina Diego at Hannah. O, sana, kasama sila sa isang production number with Tom and Carla.

Sa closing ng MHL concert, ipinakita sa video screen ang akmang magli-lips-to-lips sina Dennis at Tom. Sigawan ang audience. Pero nabitin dahil biglang pinutol. Marami pa naman ang naghintay na mag-live kissing scene sina Tom Den on stage. Waley!

Nanood ng “One More Try, MHL: The Concert” sina Mother Lily Monteverde, MTRCB chief, Atty . Toto Villareal, GMA president & CEO Atty. Felipe Gozon, GMA Films president Atty. Annette Gozon-Abrogar, Ms. Marivin Arayata, German Moreno, Butch Raquel, Angel Javier Cruz and her GMA Corp. Comm angels, Marian Domingo-Antonio, Bernice Berida, and Innah Mae Montes, GMA Artist Center PR Lendl Fabella, Delia Razon (Carla’s lola), Geoff Eigenmann, Janice de Belen, Barbie Forteza na obviously dahil kay Dennis at Aiza Seguerra dahil naman kay Tom na ama ng anak niya sa “Be Careful with my Heart.”

Finale week ngayon ng MHL and by next month, may US concert tour ang cast members for one month.